WebClick Tracer

Cristy Fermin nagulat sa demanda ni Sharon Cuneta

Hindi raw sukat akalain ni Cristy Fermin na kakasuhan siya ni Sharon Cuneta.

Kaya nagulat siya nang malaman ang isinampang cyber libel case laban sa kanya ni Sharon at mister nitong si Kiko Pangilinan.

Ani Cristy, ang Megastar daw ang kahuli-hulihang artistang maiisip niya na puwedeng magdemanda laban sa kanya.

Close raw kasi sila ni Sharon at nahinto lamang daw ang pag-uusap nila noong panahon ng 2022 presidential elections, kung saan tumakbo si Kiko sa pagka-bise presidente.

“‘Yong kaso na ito talaga, hindi ko alam kung saan nagmula. Ikinagulat ko. Gulat na gulat ako. Paano nangyari ito… Malapit siya sa akin eh… isa sa mga pinakahuli na personalidad na maaaring magdemanda sa akin, si Sharon Cuneta,” lahad ng showbiz columnist.

Inamin ni Cristy na hindi niya nagustuhan ang pagbangga ni Kiko sa tatay-tatayan ni Sharon na si dating Senate President Tito Sotto sa vice presidential race. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on