WebClick Tracer

Carlo Aquino, Charlie Dizon ikakasal na this year?

Magpapakasal na diumano sina Carlo Aquino at Charlie Dizon.  

Ayon ito sa nasagap ng “Marisol Academy Tonite”. 

“May mainit-init na tsismis ha… ikakasal na raw ba si Carlo Aquino at Charlie Dizon?” chika ni host Roldan Castro. 

Samantala, ayon naman sa source ng talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz, this year daw ikakasal ang dalawa. 

“Seriously this year daw ikakasal na. Kasi nga parang nandoon na nga sa planning stage,” aniya. 

Kamakailan sinabi ni Carlo sa isang interview na si Charlie na ang babaeng kanyang pakakasalan. (IS) 

https://www.youtube.com/watch?v=-NeyWnkhJVE 

TELETABLOID

Follow Abante News on