WebClick Tracer

BOC nadakma parcel na naglalaman ng mga alakdan

Naharang ng Bureau of Customs (BOC) ang isang parcel na naglalaman ng mga alakdan at isopod na patungo sa Mexico sa Ninoy Aquino International Airport noong Martes.

Ang pakete na idineklara bilang “traditional designed shoulder bag” ay ipinadala mula sa Quezon City.

Sa pag-inspeksyon, natagpuan ang parcel na naglalaman ng 23 na malalaking alakdan, 13 na maliliit na alakdan at isang lalagyan ng isopod.

Itinurn-over na ang parcel sa Department of Environment and Natural Resources para sa maayos na paghawak at pag-iingat.

TELETABLOID

Follow Abante News on