WebClick Tracer

Bagong midwifery law pasado na sa Kamara

Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukala na papalit sa 64-taong Midwifery Law ng bansa.

Walang tumutol sa pag-apruba sa House Bill 10079 sa sesyon ng plenaryo noong Miyerkoles ng gabi. Nakakuha ito ng 186 boto.

Binigyan-diin ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pangangailangan na i-update ang mga batas upang maging akma ito sa sitwasyon ng bansa.

“We must pay tribute to and honor our midwives, the unsung heroes in providing compassionate care and expertise to mothers and newborns. They are the backbone of maternal and child care. We laud their hard work and dedication,” sabi ni Romualdez.

“We need to help them equip their skills and gain more knowledge in their profession,” dagdag pa nito.

Ayon kay Bulacan Rep. Salvador Pleyto, pangunahing may-akda ng panukala, papalitan ng HB 10079 ang Philippine Midwifery Law of 1960 (Republic Act 2664) at Philippine Midwifery Act of 1992 (Republic Act 7392).

“Both laws have been enacted several decades ago. It is only but proper to repeal the said republic acts to adapt to the changing times,” sabi ni Pleyto.

“This bill is equipped with provisions that will help existing midwives to gain more knowledge in the practice of their profession. This is a tribute to our midwives who have been serving our country for almost all their lives,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng HB 10079, itatayo ang Midwifery Board na siyang mangangasiwa at magre-regulate sa midwifery profession. Bibigyan ito ng kapangyarihan na magbigay, magsuspendi, at bumawi ng mga certificate of registration sa midwifery industry, at reresolba at mag-iimbestiga sa mga reklamo. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on