WebClick Tracer

Babaeng naningil ng utang, tinodas, isinilid sa icebox

Natagpuang patay at nakasilid sa loob ng isang icebox ang isang babae matapos umanong maningil ng utang sa Barangay Hugo Perez, Trece Martires City, Cavite.

Kinilala ang biktimang si Mari Joy Singayan, 25 taong gulang.

Ayon sa ulat, pinuntahan ng biktima nitong Miyerkoles, Mayo 15 ang suspek na kapitbahay lamang niya upang singilin sa buwanang hulog sa utang na P50,000.

Nagtalo umano ang biktima at ang suspek kung saan hinampas umano ng huli ang una.

Matapos ay sinakal ng suspek ang biktima sa pamamagitan ng lubid at inilagay ang katawan sa loob ng icebox sa kanilang tirahan.

Kinagabihan ay tumawag umano ang suspek sa kanyang asawa upang ipaalam ang patay sa icebox.

Ini-report naman ito ng misis ng suspek sa mga pulis.

Naaresto na ang suspek nitong hapon sa Pasay City. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on