WebClick Tracer

Alvarez pinasisibak ng ‘best friend’ sa Kamara

Nais ni Tagum City Mayor Rey Uy na masibak si dating Speaker at incumbent Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez bilang miyembro ng Kamara de Representantes.

Sa panayam nitong Huwebes, sinabi ni Uy na siya at si Alvarez ay “best of friends.”

“Walang pulitika ito, trabaho lang. I’ve been in politics since 1988. Yeah, since 1988, wala po akong minura. I respect all my colleagues, I respect my co-public officials…We are best of friends, magkasama kami 2019 na elections,” sabi ni Uy na dumalo sa pagdinig ng House Committee on Ethics and Privileges.

Sinabi ni Uy n ang pahayag ni Alvarez laban sa mga opisyal ng kanilang probinsya at ang panawagan nito sa Armed Forces of the Philippines na iatras ang kanilang suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay sobra na.

“Yeah, because that’s too much, ‘wag nating gagawin ‘yong freedom of expression na maski ano na lang ang i-sabi natin sa mga kapwa nating mga official,” sabi ni Uy.

“Freedom of expression is not absolute, kaya may batas tayong libel eh, hindi ka basta-bastang mag-mura na lang dito maski sino,” dagdag pa nito.

Si Alvarez ay inakusahan din ng hindi pagganap sa kanyang tungkulin bilang kinatawan dahil sa kanyang pagkabigo na pisikal na dumalo sa sesyon at mga pagdinig ng komite. Pero ibinasura ng Ethics panel ang reklamong ito dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Ipagpapatuloy ng komite ang pagdinig sa susunod na linggo. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on