WebClick Tracer

Alden Richards: Social media pugad ng fake news

Pumalag si Alden Richards sa mga fake tweet na pinalalabas na nagsalita siya nang masama tungkol kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“Kahit kailan po, hindi ako magko-comment ng kahit anong defamatory words to someone na hindi ko naman masyadong nakakasama at wala naman akong karapatan na manghusga sa taong tinutukoy du’n sa mga fake tweet na kumakalat,” ani Alden sa “24 Oras”.

Pinayuhan niya ang netizens na mag-fact check muna.

“Ingat lang po tayo sa fake news dahil ang social media po ay pugad ng fake news. Not until ‘yung mga official account po ng mga artista ang nag-post nu’ng tweets na kumakalat diumano, eh huwag po natin agad paniwalaan. Mag-fact check muna tayo bago mag-call ng judgment,” wika niya. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on