WebClick Tracer

Abante Horoscope | May 17, 2024 Biyernes

Alamin ang iyong kapalaran base sa iyong zodiac sign ngayong Biyernes, May 17, 2024.

TAURUS

(Abril 20 -Mayo 20)

Wag ibibitin o hahayaang nakatengga ang inumpisahan upang di malasin. Kung ano ang nasimulan, tuldukan. Lucky number for today: 5

GEMINI

(Mayo 21 -Hunyo 21)

Bigyang pansin at halaga ang ilang nakapaligid sa`yo. Ilan dito ay makakatulong sa pinagdadaanan mo. Lucky number for today: 17

CANCER

(Hunyo 22 -Hulyo 22)

Hayaan mo lang na dumanas muna ng hirap dahil sa dulo ay meron kang reward. Labanan lang ang mga pagsubok. Lucky number for today: 1

LEO

(Hulyo 23 – Agosto 22)

Sumunod ka lang muna sa agos at pag-aralan ang mga makabagong teknolohiya. Magagamit mo iyan sa susunod. Lucky number for today: 6

VIRGO

(Agosto 23- Setyembre 23)

Wag ka munang um-oo kung hindi pa sigurado. Marami ang bibilib sa`yo kung meron kang palabra de honor. Lucky number for today: 13

LIBRA

(Setyembre 24- Oktubre 23)

May bagong papel kang gagampanan. Tiyaking makakalusot sa papasuking sitwasyon. Nakasalalay dito ang kinabukasan mo. Lucky number for today: 7

SCORPIO

(Oktubre 24 -Nobyembre 23)

Makuntento at gumastos lang sa abot ng iyong makakaya. Pagkasyahin muna kung ano ang meron. Bubuhos din ang biyaya. Lucky number for today: 3

SAGITTARIUS

(Nobyembre 23 -Disyembre 21)

Tiyaking maayos ang kalusugan para mapaglabanan ang nakaambang sakit. Wag sagarin sa pagod ang katawan. Lucky number for today: 8

CAPRICORN

(Disyembre 22- Enero 19)

Tatagan ang loob dahil matatapyasan ka ng isang kaibigan. Habang nasa tabi mo pa sila’y iparamdam na ang iyong pagmamahal. Lucky number for today: 4

AQUARIUS

(Enero 20- Pebrero 18)

Magiging magaan ang pasok ng pera sa susunod at posible pang umangat ang iyong career. Manatiling humble. Lucky number for today: 9

PISCES

(Pebrero 19 – Marso 20)

May aaligid sa`yong tukso kaya itodo ang kontrol sa sarili. Masisira ang pangalan mo kung papatangay sa `init’ ng katawan. Lucky number for today: 14

ARIES

(Marso 21 – Abril 19)

Wag nang mag-alinlangan o magdalawang-isip pang ituloy ang iyong plano. Maganda ang magiging resulta nito. Lucky number for today: 11

TELETABLOID

Follow Abante News on