WebClick Tracer

3 pampasaherong jeepney natupok sa Quezon City

Tinupok ng apoy ang tatlong pampasaherong jeepney na nakaparada sa bakanteng lote sa Barangay North Fairview, Quezon City, pasado alas diyes Miyerkoles ng gabi.

Sa kuhang video ng Brgy North Fairview BDRRMC, makikitang nilalamon ng apoy ang mga jeepney. Makikita rin ang pag-apula ng mga bumbero sa naganap na sunog.

Sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP) Quezon City, naapula ang apoy halos isang oras nang maganap ang pagsiklab.

Samantala, wala namang nasugatan o nasawi sa insidente.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang sanhi ng apoy at halaga ng pinsala ng naturang sunog. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on