WebClick Tracer

2 drug suspect nasawi sa Tawi-Tawi

Dalawang drug suspect ang napatay sa Panglima Sugala, Tawi-Tawi noong Lunes.

Ayon kay Gil Cesario Castro, direktor ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, si Akmad Munib Usman at Gorrie Sajili Usman ay nanlaban sa pag-aresto.

Ito ay matapos magbenta ng 50 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000 sa mga undercover na operatiba sa Brgy. Libayuran.

Samantala, tatlong kasamahan naman ng mga napatay na suspek ang nagtangkang tumakas sakay ng de-motor na bangka ngunit nasugatan sila nang tumaob ang barko.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on