WebClick Tracer

1 sa 3 reklamo laban kay Alvarez ibinasura ng House panel

Ibinasura ng House Committee on Ethics nitong Huwebes ang isa sa tatlong reklamo laban kay dating Speaker at incumbent Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez.

Ayon sa chairperson ng komite na si COOP NATCCO party-list Rep. Filemon Espares ibinasura ng mga miyembro ng komite ang alegasyong negligence of duty laban kay Alvarez dahil sa hindi nito pisikal na pagdalo sa mga sesyon ng plenaryo at pagdinig ng mga komite.

“The members resolved today that we able to dismiss that just because lack of evidence. Kasi yung ebidensya lang naman nila doon is the statement of one of the colleague here na nananawagan na mag-duty siya dito sa Congress. And then, there is no specific or a concrete documents on how many absences,” sabi ni Espares.

“And on the part of the respondent, nagpakita naman siya ng kanyang letter to the Secretary General (Reginald Velasco) of his request for allowing him to work in the district. At hindi naman lahat ng trabaho ng isang representative is really to…. nandito yung presence all the time,” paliwanag nito.

Sinabi ni Espares na kasama ang distrito ni Alvarez sa mga lugar na nasalanta ng pagbaha kamakailan.

“So, kung may request naman saka napakita naman doon sa document evidence na doon doon siya during mga relief operation. Kasi tinamaan man yung district niya.
At… yun ay nakita ng ating members. At yun ang naging basis,” dagdag pa ni Espares.

Sinabi ni Espares na sa Lunes ay itutuloy ng komite ang pagdinig sa umano;y defamatory statement ni Alvarez laban sa mga opisyal ng Davao del Norte at sa umano’y seditious statement nito ng himukin ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines na bawiin ang kanilang suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on