WebClick Tracer

1 pang convicted sa kaso ni Vhong Navarro sumuko na

Sumuko na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang huli sa apat na hinatulang guilty sa kasong serious illegal detention na isinampa ni Vhong Navarro.

Ayon sa NBI nitong Huwebes, sumuko si Ferdinand Guerrero kay Director Medardo de Lemos.

Nitong Mayo 2 hinatulan ng Taguig Regional Trial Court Branch 153 na guilty beyond reasonable doubt sa kasong serious illegal detention for ransom sina Cedric Lee, Deniece Cornejo, Guerrero at Simeon Raz.

Sinentensiyahan sila ng parusang reclusion perpetua o hanggang 40 taong pagkakakulong.

Nauna nang sumuko sina Cornejo, Lee at Raz nitong buwan. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on