WebClick Tracer

Zayn Malik sa paggamit dating app: ‘Everyone accused me of catfishing’

Napaamin ang singer-songwriter na si Zayn Malik na gumamit siya minsan ng dating app na Tinder ngunit napagkamalang nagka-catfishing lang siya.

Sa panayam sa kanya ng NYLON, sinabi niyang hindi naging matagumpay ang paghahanap niya ng kaibigan sa dating app dahil laging napagkakamalang ginagamit lang ang sariling profile para magpanggap.

“It’s not been too successful for me, I’ll be honest. Everyone accused me of catfishing. They’re like, ‘What are you using Zayn Malik’s pictures for?’ I’ve been kicked off once or twice,” pag-amin niya.

Sinabi naman niyang dahil sa “failed attempt” niya, hindi na siya naghahanap ngayon ng romantic relationship ngayon.

“I’m really content and happy with being single for the first time in my life,” aniya. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on