WebClick Tracer

Wiretapping ng China Embassy sa WESCOM balatan – Tolentino

Nanawagan si Senador Francis “Tol” Tolentino sa Senate Committee on National Defense na imbestigahan ang hindi awtorisadong pag-wiretap ng Chinese Embassy sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command (WESCOM).

Ayon kay Tolentino, posibleng nilabag ng Chinese Embassy ang Anti-Wiretapping Act ng Pilipinas na isang pagkakasala na maaaring magpainit ng diplomatikong tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa.

“This act deems it illegal for any individual, not authorized by all parties to a private communication or spoken word, to tap any wire or cable or use devices to secretly overhear, intercept, or record such communication or spoken word,” sabi ni Tolentino.

Sa Senate Resolution No. 1023, binigyang-diin ni Tolentino ang pahayag ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Lin Jian sa isang press conference noong Mayo 6 kaugnay ng “new mode” para sa transportasyon at subsidiya sa Ren’ai Reef (Second Thomas Shoal) na diumano’y inaoprubahan ng buong pamunuan ng Philippine military, kabilang ang Defense Ministry, National Security Advisor, at iba pa.

Nagbanta rin ang China noong Mayo 7 na maglalabas sila ng transcipt at audio recording na diumano’y phone conversation noong Enero 3 sa pagitan ng mga opisyal ng China at Vice Admiral Alberto Carlos, Chief ng AFP-WESMINCOM.

Sa naturang usapan, nakipagkasundo diumano si Carlos para bagong model para sa resupply mission sa BRP Sierra Madre. Ang nasabing diskusyon ay may go signal ng mga opisyal ng DND at AFP kabilang sina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., National Security Adviser Eduardo Ano, at AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner.

“It is unlawful for any person, a participant or not in the act or acts penalized, to knowingly possess any tape record, wire record, disc record, or any other such record, or copies of any communication or spoken word secured either before or after the effective date of this Act in the manner prohibited by this law,” sabi ni Tolentino.

“It is also unlawful for any person or persons to replay the unauthorized recorded communication, either verbally or in writing, or to furnish its transcription, whether complete or partial, to any person, unless allowed or authorized by courts as evidence in any civil, criminal investigation or trial of offenses,” dagdag pa niya. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on