WebClick Tracer

Villafuerte idiniin kahalagahan na mapaganda city, municipal libraries, barangay reading centers

Iginiit ni National Unity Party president at Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang kahalagahan na mapaganda ang mga library at reading center sa bansa gayundin ang mga book rooms sa basic education at tertiary schools.

Naghain ng mga panukala si Villafuerte kasama ng mga kapwa Bicolano na sina Camarines Sur Representatives Miguel Luis Villafuerte at Tsuyoshi Anthony Horibata at Bicol Saro party-list na kinakatawan ngayon ni Rep. Brian Raymund Yamsuan para sa paggamit ng electronically-operated library systems sa bansa.

Sa ilalim ng House Bill 3687, itatayo ang Division of Library Media Services sa Bureaus of Elementary Education (BEE) at Secondary Education (BSE) ng Department of Education (DepEd) at sa Bureau of Higher Education (BHE).

Ang mga bureau ay inaatasan na makipagtulungan sa iba’t ibang stakeholder sa pagbuo ng curriculum-based instructional activities para sa mga estudyante upang mapalawak ang mga impormasyon na magagamit ng mga estudyante at guro.

“To prepare young Filipinos for the challenges of the future, as well as keep our economy competitive, there should be provincial, city and municipal public libraries as well as barangay reading centers in all places nationwide that still do not have such facilities, and every elementary, secondary and tertiary school in the Philippines must be equipped with up-to-date library resources, certified library media specialists, access to advanced technology, and proper instruction on the use of library and information resources,” sabi ni Villafuerte.

Ang HB 1798 ay naglalayon namang amyendahan ang Republic Act 7743 at ipasok ang pinakabagong computer at electronic library technology. Ang RA 7743 ang batas na nagtayo ng mga pampublikong library sa mga barangay.

Nakasaad din sa panukala ang pagpapaganda ng mga reading center facility sa pamamagitan ng paglalagay doon ng kumpletong standard set ng mga libro, e-books, online research resources at iba pang katulad na bagay.

Samantala, ang HB 3687 ay naglalayong maglagay ng Division of Library Media Services sa BEE, at BES ng DepEd at BHE.

Ang panukalang division ay naglalayong magbigay ng impormasyon at gabay sa mga elementary, secondary at tertiary school library media specialists, teachers at school administrators upang mahikayat ang mga ito na pagandahin ang educational programs, sanayin ang mga library personnel, susugan ang paggamit ng makabagong teknolohiya at paramihin ang mga materyales sa library. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on