WebClick Tracer

True Faith vocalist nagpakasal sa kapwa lalaki, netizens gulantang

Nagulat ang mga netizen sa pagpapakasal ni True Faith vocalist Medwin Marfil sa kapwa niya lalaki.

Nitong May 15 nang i-share ni Marfil sa Facebook ang wedding photo nila ng boyfriend na si Mark Angeles.

Base sa inilagay niyang caption, naganap ang kasalan sa Rockaway Beach sa California nitong May 11, 2024.

“Meds Marfil is with Mark Angeles and Medwin O. Marfil at Rockaway Beach,” saad nito sa caption.

“It was a beautiful day,” dagdag niya.

Na-shock ang ilang netizen dahil akala raw nila’y straight si Marfil.

Narito ang komento nila:

“Congrats! Had no idea.”

“Oh I was today years old when I found out he had rainbow blood.”

“Congrats!!! Omg i didnt know!!”

“Grabe sa tagal ko na kilala ang banda, ngayon ko lang nalaman na PLU pala sya.”

“Hala 3rd sex pala sya. Congrats.”

“Wow nabigla din ako. Akala ko straight sya.. Congrats lovebirds!”

Ilan sa kilalang kanta ng banda ang “Huwag Na Lang Kaya” at “Dahil Ikaw”. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on