WebClick Tracer

Tarlac mayor dinenay na may koneksyon sa POGO

Itinanggi ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na may kaugnayan siya sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Kasalukuyang iniimbestigahan si Guo dahil sa kuwestiyonable niyang citizenship, na mas naging kontrobersiyal pa dahil sa mga alegasyong may papel ang POGO sa pagkapanalo niya sa 2022 elections.

Pero giit ni Guo, nagmula ang perang ginamit niya sa pangangampanya sa kanyang pamilya at mga kaibigan mula sa hog raising industry at hindi sa POGO o sa anumang iligal na aktibidad.

“My family already had money and a livelihood even before I entered politics, so I do not need to enter into any of the illegal activities happening in POGO,” lahad ni Guo sa ulat ng Manila Bulletin.

Naugnay si Guo sa POGO matapos ang isinagawang pagsalakay sa isang POGO facility malapit sa municipal hall noong Marso dahil sa umano’y human trafficking at serious human illegal detention.

Nakita sa lugar ang electric bill na nakapangalan sa kanya at isa ring sasakyan na nakarehistro sa kanya.

TELETABLOID

Follow Abante News on