WebClick Tracer

Substitution ng mga kandidato ekis na matapos last day ng COC filing—Comelec

Ipinagbabawal na ng Commission on Elections (Comelec) ang substitution ng kandidato dahil sa withdrawal ng kandidatura matapos ang huling araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC).

Nangyari ang desisyon matapos magpasya ang Comelec en banc na sabay nang idaos ang COC filing at ang withdrawal at substitution of candidates.

“Wala nang substitution after the last day ng filing ng COC,” ani Comelec Chairman George Garcia.

Unanimously na inaprubahan ng en banc ang kanyang panukala na idaos sa Oktubre 1 hanggang 8 ang COC filing, at isabay na rito ang paghahain ng withdrawal at substitution, ayon kay Garcia.

Samantala, pahihintulutan pa rin naman daw ang substitution na lampas sa Oktubre 8 deadline ngunit ito ay sa kadahilanang namatay o nadiskuwalipika ang isang kandidato. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on