WebClick Tracer

Shipbuilding ng US-Korean company sa Subic bubuhayin

Inaasahang sisigla muli ang negosyo at trabaho sa Subic makaraang ihayag ng dalawang kumpanya mula sa Amerika at South Korea ang pagbubukas ng gawaan ng barko sa Subic at offshore wind industry.

Nakipagkita kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga matataas na opisyal ng HD Hyundai Heavy Industries at Cerberus at inihayag ang kanilang partnership na ikinalugod ng Presidente.

Ayon sa Pangulo, ang partnership ng dalawang kumpanya sa Subic ay magpapalakas sa paglago ng bansa.

“We welcome HD Hyundai’s investment that will not only open new doors for our offshore wind industry, but will also bring maritime manufacturing back to Subic, and eventually restore the glory days of shipbuilding to our shores,” saad ng Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na inaasahang lilikha ito ng libo-libong trabaho at mas mahahasa ang kakayahan ng mga Pilipino para makasabay sa global market.

Bukod sa shipbuilding, plano ng Cerberus na magbukas ng trabaho para sa microelectronics, semiconductors at critical metals.

Ang HD Hyundai ay kilala bilang pinakamalaking gumagawa ng barko sa mundo. (Aileen Taliping)

TELETABLOID

Follow Abante News on