WebClick Tracer

Robin gustong amiyendahan Rice Tariffication Law

Naghain si Senador Robin Padilla ng isang panukala para amiyendahan ang Rice Tariffication Law at ibalik ang papel sa National Food Authority (NFA) sa pamamamala ng supply chain ng bansa.

Sa Senate Bill 2672, layunin nito na mapalakas ang kapangyarihan ng NFA para pangasiwaan ang suplay ng bigas, at ang pagpapaganda ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ang susi sa pagpapatatag ng presyo at suplay ng bigas, at gawing mas abot-kaya ang bigas para sa mga Pilipino.

“The present amendatory bill seeks to restore the NFA’s role in managing the country’s supply chain. With the renewed and strengthened mandate of NFA in the amendatory bill, the stabilization of the price of rice will be guaranteed and supply functions will be regulated,” sabi ni Padilla.

“Ultimately, access to cheaper rice will be more feasible for poor Filipinos,” dagdag niya sa kanyang panukalang batas na nagmungkahi ng pagbabago sa Rice Tariffication Law (RA 11203).

Inimungkahi rin ng senador na palakasin ang RCEF at i-extend ang validity nito ng anim na taon, para pagandahin ang competitiveness at kita ng mga magsasaka.

Sa panukalang batas, mungkahi ni Padilla na ang NFA ay bigyan ng kapangyarihan na tiyaking masunod ang regulasyon, gamit ang “expertise and nationwide network” nito para panindigan ang “national interest in rice buffer stocking and food security.”

Ilan sa kapangyarihan ng NFA ay:

* Pag-require ng registration ng grains warehouses at paggawa ng national database ng ganitong registrations;

* Pag-inspect sa warehouses mga bodega para tiyakin ang pagsunod sa mga pamantayan sa kalidad at suplay ng bigas;

* Pangolekta at pag-analyze ng datos sa rice trade activities para gumawa ng wastong polisiya. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on