WebClick Tracer

Regulasyon sa social media content kailangang balansehin – congressmen

Iginiit ng mga miyembro ng Kamara de Representantes ang kahalagahan na balansehin ang pangangailangan na i-regulate ang social media content bunsod ng pagkalat ng fake news at ang pagkilala sa karapatan ng pagpapahayag.

Ito ang mga sinabi ng mga kongresista bilang reaksyon sa panawagan ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas Inc. (KSMBPI) sa Kongreso na magpasa ng batas upang ma-regulate ang social media content.

“I think it is a very delicate balancing act of ensuring regulation and the freedom of expression and the freedom of information,” sabi ni House Deputy Majority Leader at Tingog party-list Rep. Jude Acidre sa isang press conference nitong Miyerkoles.

Sa halip na regulasyon, sinabi ni Acidre na mas dapat na pagtuunan ng pansin ang paglalagay ng safeguard upang maprotektahan ang publiko.

“In most cases, cybercrime, cyber libel or any of these, they thrive because of anonymity, kasi hindi sila kilala,” paliwanag ni Acidre. “Kailangan din natin papanagutin, there are already existing laws in relation to cyber libel. I think it’s good to enforce the law especially in instances when the pronouncements made are already bordering on what the law prohibits.”

Sinabi naman ni Davao Oriental Rep. Cheeno Miguel Almario na hindi na bago ang panukala na i-regulate ang social media content at ang panganib na maapakan nito ang freedom of information at speech.

“Many governments and entities worldwide have attempted to regulate social media, but it raises the question: How far are you willing to regulate freedom of information and freedom of speech?” sabi ni Almario.

Iginiit rin ni Almario ang kahalagahan na maberepika ang social media user upang madaling matukoy ang mga ito. Maaari umanong gamitin ang SIM Card Registration law bilang modelo sa paggawa ng panukalang batas.

Para naman kay Lanao del Norte Rep. Mohamad Khalid Dimaporo dapat seryosong ikonsidera ang paglalagay ng regulasyon sa social media dahil maaari itong magdala ng panganib sa publiko.

“That’s a topic that I hope will be treated urgently and seriously in this Congress, at least have the discussion about it,” sabi ni Dimaporo. “On my part, I would like to see how Congress would delineate the line between free speech and public safety.”

Habang wala pang batas, hiniling ng KSMBPI kay Executive Secretary Lucas Bersamin na gumawa ng isang executive order para sa pagbalangkas ng isang “national social media regulatory board.” (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on