WebClick Tracer

Queenie Padilla hiwalay na sa Pakistani husband

Matapos ang 11 taong pagsasama, hiwalay na sa asawang Pakistani ang sister ni Kylie Padilla na si Queenie.

Ni-reveal ito ni Queenie sa kanyang Instagram post nitong May 14.

Aniya, “irreconcilable incompatibility” ang dahilan ng pahihiwalay nila ng mister na si Usama Mir.

“After much thought and consideration, I have decided to separate from my husband due to irreconcilable incompatibility,” saad niya.

“This decision wasn’t taken overnight. It has been years and months of trying to work things out. I will always have love, honour and respect for the father of my child. He’s a great father and responsible human being. 

“Although life has taken us on different paths right now, I will forever cherish the 11 years we’ve had together,” dagdag pa niya.

Si Queenie ang eldest daughter ni Sen. Robin Padilla sa ex-wife nitong si Liezl Sicangco.

May isang anak na babae sina Queenie at Usama. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on