WebClick Tracer

Piolo Pascual nasungkit ika-2 Best Actor award para sa ‘Mallari’

Muling kinilala ang husay ni Piolo Pascual sa pelikulang “Mallari”.

Pinarangalan siyang Best Actor sa katatapos lang na Box-Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Inc.

Ito na ang ikalawang Best Actor award ni Piolo, na gumanap ng tatlong magkaibang persona sa tatlong magkaibang timeline bilang paring serial killer na si Fr. Juan Severino Mallari.

Una siyang nakatanggap ng parangal sa Manila International Film Festival noong January sa Hollywood, kung saan nag-tie sila ni Dingdong Dantes (Rewind).

Isa ang “Mallari” sa top-grossing films sa MMFF 2023. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on