WebClick Tracer

Pinsala sa asukal, pulot ng El Niño sa Western Visayas pumalo sa P215M

Lubhang napinsala ng matinding init na dala ng El Niño ang asukal at molasses o pulot sa Western Visayas.

Ayon kay Sugar Regulatory Administration administrator Pablo Luis Azcona, pumalo na sa P215,700,114 ang damage.

Pinakamalubhang naapektuhan ang Negros Occidental sa P200,178,856; sumunod ang Capiz (P13,747, 242) at Iloilo (P1,774,015).

Nasa 3,283 magsasaka naman sa sugar land sa Western Visayas ang apektado ng tagtuyot, karamihan o may 2,392 magsasaka ang mula sa Negros Occidental.

TELETABLOID

Follow Abante News on