WebClick Tracer

Pilipinas, Australia nagsagawa ng joint drills sa Isabela

Tinatayang nasa 150 na sundalo ng Pilipinas at Australia ang nakibahagi sa joint training bilang bahagi ng unang leg ng Kasangga exercise ngayong taon sa Gamu, Isabela.

Sinabi ni Philippine Army spokesman Col. Louie Dema-Ala na ang bilateral training, na nagsimula noong Lunes, ay tatagal hanggang Hunyo 21.

May kabuuang 100 na sundalong Pilipino na kalahok sa joint drills ang mga miyembro ng 86th Infantry Battalion ng 5th Infantry Division (ID).

Sinabi ni Dema-Ala na kasama sa mga aktibidad ang pagbabahagi ng mga karanasan sa pakikipaglaban sa mga teroristang grupo.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on