WebClick Tracer

PH national volleyball teams tatawaging ‘Alas Pilipinas’

Inanunsyo ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang bagong pangalan ng men’s at women’s volleyball squads ng Pilipinas.

Ani PNVF president Ramon Suzara, tatawaging “Alas Pilipinas” ang mga national volleyball team sa indoor o beach man.

“We believe that it’s high time for us to rally on one singular name for our national teams,” lahad ni Suzara sa isang press launch.

Huling nagkaroon ng monicker ang national volleyball teams noong 2015 nang ilunsad ng PLDT ang “Amihan” para sa women’s, at Bagwis para naman sa men’s. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on