WebClick Tracer

PBBM pinuri sa pag-usad ng food stamp program

Pinuri ni House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pag-uumpisa ng Food Stamp Program (FSP) na naglalayong tiyakin na mayroong makakain ang pinakamahirap na pamilya sa bansa.

“The good thing is nasimulan ang programang ito under the PBBM administration kasi sa napakatagal na ng hinaing na magkaroon ng food stamp program ngayon lang ito naipatupad,” sabi ni Garin.

Bukod sa mahihirap na pamilya, sinabi ni Garin na magbebenepisyo rin sa programa ang mga lokal na magsasaka at mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSME) kung saan maaaring gamitin ang food stamps.

Sa ilalim ng FSP, bibigyan ang mga benepisyaryo ng Electronic Benefit Transfer (EBT) card na lalagyan ng laman ng gobyerno at maaaring gamiting pambili ng mga piling pagkain sa mga piling tindahan.

“It might not be enough but its a good start, but then it is not the only program. Later on, pwedeng tumaas ‘yang [ipamimigay ng gobyerno],” sabi ng lady solon.

“In other words, it is just one component of the whole big buy of public services. Kung titingnan natin, magkakaroon ng oportunidad na pang hanapbuhay, magkakaroon ng mas maraming tulong,” dagdag pa nito.

Nasimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pilot testing ng programa at target ang malawakang pagpapatupad nito sa Hulyo.

“Ang daming programa [na] pinagsasabay-sabay pero isa lang ang layunin, ang mabigyan ng mas magaang na buhay ang bawat pamilyang Pilipino dahil bawat buhay ay mahalaga at bawat bahay ay dapat may pagkain,” giit pa ni Garin. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on