WebClick Tracer

PBBM ‘di kuntento sa puwesto ng Pilipinas sa 2024 Asian University Rankings

Hindi kuntento si Pangulong Ferdinand Marcos Jr . sa ranking ng Pilipinas sa 2024 Asian University.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang pagdalo sa National Higher Education Day summit ng Commission on Higher Education sa Philippine International Convention Center sa Pasay City nitong Miyerkoles ng hapon.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Presidente na marami pang dapat gawin upang makapasok ang mga unibersidad sa bansa sa top 100 ranking sa Asya.

Ang mga kilalang top schools sa bansa aniya ay bumabagsak o kaya naman ay hindi umaangat sa standing na indikasyong marami pang dapat na pagsikapang gawin.

“We must acknowledge that in the recent times, higher education 2024 Asia University rankings, unfortunately no Philippine university has reached top 100. With the country’s top schools either dropping or maintaining their rankings. These just goes to show that much work is still to be done.,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na kailangan ang komprehensibong estratehiya upang makabawi sa ranking dahil ang edukasyon ang huhubog sa kinabukasan ng bansa.

Kailangan aniyang armasan ang mga kabataan ng tamang kasanayan sa paaralan upang makasabay sa mabilis na pagbabago ng panahon at hindi mapag-iwanan .

“We must pursue a comprehensive and all encompassing strategy that will turn this trend around. The state of our education today shapes the future of the nation. The battle to win the future is weighs in today’s schools where we should arm our young men and women with the rights skills to not only survive but to thrive in a rapidly changing world that does not wait for anyone,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping )

TELETABLOID

Follow Abante News on