WebClick Tracer

Patama kay Xian Lim? Kim Chiu nag-post tungkol sa ‘blaming’

Nag-share siya ng quote kung saan naka-highlight ang mga salitang “real growth”, ‘blaming” at “responsible”.

Sabi sa quote: “Real growth is when you start checking and correcting yourself instead of blaming others. You take your power back by being responsible for your life.”

Ang post ni Kim ay sa gitna ng viral statement ng dating nobyong si Xian Lim tungkol sa itatanong niya kapag nakasalubong ang ex.

Ani Xian: “‘Pag nakasalubong mo ang ex mo, you should say na ‘I hope you do find the happiness that it is you’re looking for. Ganoon lang, dapat masaya. ‘Di ba dapat masaya kayo para sa isa’t isa?”

Bagama’t wala siyang binanggit na pangalan, marami ang nag-a-assume na ang tinutukoy niya ay ang ex na si Kim. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on