WebClick Tracer

Nuggets muling itinaboy Timberwolves

Nasungkit na ng Denver Nuggets ang kalamangan sa playoff series laban sa Minnesota Timberwolves, 3-2.

Matagumpay na nakuha ng Nuggets ang kalamangan sa playoff series matapos manalo sa Game 5 sa kanilang homecourt, 112-97.

Sa nasabing panalo, muling nanguna ang 2023-24 NBA MVP na si Nikola Jokic, na nakapagtala ng 40 puntos at 13 assists.

Nagdagdag pa ang shooter na si Jamal Murray ng 16 puntos.

Malaking tulong din ang role players ng Nuggets na si Kentavious Caldwell-Pope (16 puntos) at Aaron Gordon (18 puntos at 10 rebounds).

Isang panalo na lang ang kailangan ng Nuggets upang muli silang umabante sa susunod na round ng playoffs. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on