WebClick Tracer

NU tinuhog ika-4 sunod na kampeonato sa UAAP men’s volleyball

Pinatunayan ng National University (NU) na sila pa rin ang hari sa UAAP men’s volleyball matapos pataubin ang University of Santo Tomas (UST) sa Game 2 ng Season 86 Finals nitong Miyerkoles sa Mall of Asia Arena.

Muling winalis ng Bulldogs ang Golden Spikers, 25-21, 22-25, 25-17, 25-15, matapos nilang itakbo ang Game 1 victory, 25-17, 26-24, 25-19 kamakailan.

Ito na ang ikaanim na championship title ng NU sa UAAP, sa pangunguna ni Mhicaelo Buddin na may 28 points (22 attacks) at five blocks.

Naging unang team din ang NU sa loob ng 13 taon na nakumpleto ang bihirang four-peat.

Tinanghal na Finals Most Valuable Player si Owa Retamar. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on