WebClick Tracer

NIKI babalik sa ‘Pinas sa 2025

Pupunta uli si NIKI sa Pilipinas sa susunod na taon.

Ang Indonesian singer-songwriter ay nag-anunsyo ng dalawang gabing concert sa Pebrero 11 at 12, 2025.

Ito ay bilang bahagi ng kaniyang Buzz World Tour. Ang mga detalye ng lugar at ticketing ay hindi pa inaanunsyo.

Magkakaroon din siya ng pagbisita sa North America, Europe at iba pang mga bansa sa Asya.

Idinaos ni NIKI ang kaniyang unang solo arena show sa Maynila noong Setyembre 2023.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on