WebClick Tracer

Mga taga-Bamban, Tarlac ipinagtanggol si Mayor Alice Guo

Ipinagtanggol ng mga taga-Bamban,Tarlac si Mayor Alice Guo sa gitna ng isyu sa kaniyang citizenship.

Sa ulat sa ‘Frontline Pilipinas’, naniniwala ang mga residente na tunay na Pilipino ang kanilang mayor.

Bata pa lang umano si Guo ay nakikita na nila ito sa kanilang lugar. Bago pa tumakbo bilang mayor, magbababoy umano ang trabaho ni Guo.

Matatandaang nauna nang kinuwestyon ni Senadora Risa Hontiveros ang pagkakakilanlan ni Guo.

Ginisa ito dahil walang maipakitang opisyal na rekord upang patunayan na siya ay isang Pilipino.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on