WebClick Tracer

Mga kalahok sa civilian mission papuntang Scarborough Shoal, lumarga na

Tinatayang nasa 100 na bangka ang umalis mula sa Zambales nitong Miyerkoles ng umaga para sa isang civilian mission papuntang Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ng Atin Ito Coalition, organizer ng civilian mission, na maglalagay sila ng mga symbolic marker sa loob ng Philippine exclusive economic zone (EEZ).

Dagdag pa rito, plano rin ng Atin Ito na maghatid ng mga mahahalagang suplay tulad ng gasolina sa mga mangingisdang Pilipino sa lugar.

Sinabi naman ng Philippine Coast Guard (PCG) na titiyakin nito ang kaligtasan ng mga kalahok sa civilian mission sa gitna ng presensya ng mga Chinese vessel sa Scarborough Shoal.

Ginawa ng Atin Ito ang una nitong civilian mission sa WPS na may 40 na kalahok na bangka noong 2023.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on