WebClick Tracer

Mga barko ng China binuntutan ‘Atin Ito’ convoy

Hindi bababa sa dalawang barko ng China Coast Guard (CCG) ang sumunod sa convoy ng “Atin Ito” coalition malapit sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal nitong Miyerkoles ng gabi, Mayo 15.

Unang namataan ng alas-6 ng gabi ang barko ng CCG na may bow number na “4109”, kung saan nasa 50 nautical miles na ang layo mula sa Bajo de Masinloc ng civilian convoy, ayon sa Akbayan Party.

Ang pangalawa ay ang CCG “4108” na naglayag naman malapit sa convoy.

Saad ng Akbayan, prinotektahan ng Philippine Coast Guard vessel BRP Bagacay ang “Atin Ito” contingent.

Kaninang umaga, matagumpay na nakapaglagay ang koalisyon ng mga floating marker at namahagi ng suplay sa mga mangingisdang Pilipino kabilang ang gasolina sa 14 nautical miles sa Palauig Point, Zambales. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on