WebClick Tracer

Mayor Alice Guo pinatatahimik ng abogado sa isyu ng citizenship

Pinatatahimik umano si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ng kanyang abogado sa usapin ng kanyang citizenship.

Sa isang text message sa News 5, sinabi ni Guo na hindi muna siya magbibigay pahayag ukol sa mga kuwestiyon sa kanyang citizenship at kaugnayan niya sa China.

“Ayaw na po ng lawyer na magbigay po ako ng statement as of now. Thank you for understanding,” saad niya sa text message.

Matatandaan na ginisa si Guo sa pagdinig sa Senate committee on women and children kamakailan na kung saan kinukuwestiyon ang background ng alkalde. May posibilidad daw na hindi lehitimong Filipino citizen si Guo dahil sa kaduda-dudang mga detalye sa kanyang personal na buhay.

Sa pagdinig, naungkat na walang hospital at school record ang alkalde at naiparehistro ng late ang kanyang birth certificate na umabot ng 17 taon. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on