WebClick Tracer

Marian Rivera hinataw ‘Salamin, Salamin’ ng BINI

Nasa milyon agad ang views ng video ng pagsasayaw ni Marian Rivera ng “Salamin, Salamin” ng BINI.

Sa isang Facebook Reel, naispatan ang aktres na nagpapraktis ng dance moves ng nasabing hit song habang naghihintay ng susunod niyang take sa set ng teleseryeng “My Guardian Alien”.

“Ayan naman kapag wala pang take, tutorial muna ako ng Salamin,” ang inilagay na caption ni Marian.

Kamakailan lamang nang mag-viral ang TikTok dance cover niya ng “Price Tag”, na humakot na ng 200 million views! (IS)

https://www.facebook.com/reel/1146480533341893

TELETABLOID

Follow Abante News on