WebClick Tracer

Lotto operator ninakawan, binaril sa Cavite

Binaril at pinagnakawan ang isang lotto operator noong Martes sa Imus City, Cavite.

Iniulat ng pulisya ng Rehiyon 4A na si Anthony Carrasco at ang kaniyang live-in partner na si ‘Margarita Joy’ ay naglalakad patungo sa kanilang sasakyan matapos bumisita sa kanilang lotto outlet sa Brgy. Malagasang 2-F.

Pagkasakay pa lang sa kanilang sasakyan, isang hindi pa nakikilalang lalaki na armado ng baril ang biglang sumakay sa sasakyan at nagdeklara ng hold-up.

Tinangay ng suspek ang P12,000 at biglang pinagbabaril si Carrasco. Tumakas naman ito matapos ang pamamaril.

Nagsasagawa pa ng karagdagang imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang suspek.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on