WebClick Tracer

Lalaki arestado matapos gahasain 15 taong gulang na kapitbahay

Inaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki sa Dasmariñas, Cavite matapos umanong gahasain ang kaniyang 15 taong gulang na kapitbahay sa San Juan.

Nag-message at nag-alok umano ng pera ang suspek sa biktima na nauwi sa pakikipagtalik at tuluyang panggagahasa noong Setyembre.

Ang biktima ay ginahasa umano noong Setyembre 11.

Inaresto ang suspek dahil sa panggagahasa kaugnay ng Child Abuse at kasalukuyang nakakulong sa Male Dormitory of San Juan Detention Facility.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on