WebClick Tracer

Kambal na paslit patay sa sunog sa Tondo

Patay ang 5-anyos na kambal matapos makulong sa nasusunog nilang bahay sa Yangco Street, Gagalangin, Tondo, Maynila nitong Miyerkoles, Mayo 15.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay bandang alas-2:21 ng hapon.

Tanging yaya lamang umano ang kasama ng mga bata dahil nasa trabaho ang kanilang ina.

Bumaba lamang daw sandali ang yaya nang sumiklab ang sunog sa second floor, kung saan na-trap ang mga biktimang kambal na babae.

Hindi na umano na-rescue ng yaya ang kambal dahil mabilis nilamon ng apoy ang ikalawang palapag na gawa sa kahoy.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog, na naapula ng alas-3:09 ng hapon.

TELETABLOID

Follow Abante News on