WebClick Tracer

Iloilo isinailalim sa state of calamity dahil sa El Niño

Isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Iloilo dahil sa El Niño phenomenon.

Inaprubahan ng Iloilo Provincial Board ang rekomendasyon ng Iloilo Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sa sesyon nito noong Martes.

Ayon sa datos ng Iloilo PDRRMC, lumobo sa mahigit P1 bilyon ang pinsalang dulot ng El Niño sa sektor ng agrikultura at pangisdaan sa 42 na bayan.

Ang rice production ay nagtamo ng pinakamalaking pagkalugi sa mahigit P653 milyon habang ang corn production ay napinsala ng P219 milyon.

Nauna nang nagdeklara ng state of calamity ang mga local government unit ng mga bayan ng Sara, Estancia, Bingawan, Balasan, Dingle, Lemery, San Dionisio, Banate, Barotac Viejo, Ajuy at Mina gayundin ang Passi City.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on