WebClick Tracer

House energy panel chief tinukuran franchise renewal ng Meralco

Naghain si House Committee on Energy chairperson at Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco ng panukala upang muling bigyan ng 25-taong prangkisa ang Manila Electric Company (Meralco).

Sa House Bill 10317, iginiit ni Velasco ang kahalagahan na magpatuloy ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente sa mga lugar na hawak ng Meralco gaya ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, at piling bahagi ng Batangas, Laguna, Quezon, at Pampanga.

“Meralco has been providing reliable and world-class electric service at fair and reasonable prices to its customers,” sabi ni Velasco sa explanatory note ng panukala.

“The renewal of this franchise is urged to ensure the continuous and uninterrupted supply and distribution of quality and reliable electric service to the customers within the franchise area of Meralco,” dagdag pa ng solon.

Sinabi ni Velasco na pumasa ang Meralco sa mga kuwalipikasyon para ma-renew ang prangkisa nito at nakasusunod umano sa mga panuntunang itinakda.

“Among all the distribution utilities and power cooperatives here in the country, Meralco provides the most reliable electricity service—one that I dare say has been instrumental in driving the economic growth of our country,” sabi pa ng solon.

“The fact that there are calls from communities serviced by electric cooperatives to transfer to Meralco further proves that the company offers much-needed reliable electricity service,” dagdag pa nito.

Nauna rito ay inihain naman ni House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda ang House Bill 9793 na naglalayong i-renew ang prangkisa ng Meralco.

Ang prangkisa ang Meralco ay mage-expire sa 2028. (Billy Begas)

TELETABLOID

Follow Abante News on