WebClick Tracer

Hontiveros: DOE kulang sa energy

Hinamon ni Senador Risa Hontiveros ang Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission na magpakita naman ng kanilang kakayahang resolbahin ang problema sa kakulangan ng suplay ng kuryente sa bansa.

“Parang kulang sa energy ang mismong Department of Energy. DOE’s mandate demands foresight and competence to ensure adequacy of current and future power supply while the NGCP secures the whole system from disturbances, including unplanned and forced outages. Proactive tayo dapat,” sabi ni Hontiveros.

“They cannot go on giving us nothing. Kumilos naman sila,” dagdag pa niya.

Inirekomenda ni Hontiveros sa DOE na muling gamitin ang mga “proven industry-standard method” na dating ginamit noon bago pa man naisabatas ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).

“Energy experts I have spoken with say that the DOE is so much better off using computations through loss of load probability (LOLP), and it is one they are already familiar with. LOLP has a distinct advantage when it comes to forecasting power supply availability,” saad ni Hontiveros.

“Right now, the agency is computing with a fixed 25 percentage reserve, but it hasn’t been reliable, especially during this summer season,” paliwanag pa niya.

Ang LOLP ay isang hakbang reliability performance ng power system na nagtataya ng bilang ng araw ng posibleng brownout kada taon.

“Kung ginamit lang ng DOE ang LOLP, nalaman sana nito ang kinakailangang dagdag na capacity para hindi lalagpas sa isang araw kada taon ang may brownout imbes na halos araw-araw may yellow at red alert. DOE must reevaluate their methodology,” saad ni Hontiveros.

Dapat ding kunin ng mga eksperto na makakatulong para muling ipatupad ang LOLP sa pagpaplano ng power supply ng bansa.

“Hindi sapat magdasal para hindi mag-shut down ang mga power plants natin, kailangang kumilos ang DOE batay sa probabilidad at pleksibilidad na maaring gawin in anticipation of a crisis situation,” sambit ni Hontiveros.

“Dapat real planning for real development. Sabi nga, nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa,” dugtong pa niya. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on