WebClick Tracer

Higit 100 testing center inanunsyo para sa UPCAT 2025

Inanunsyo ng University of the Philippines (UP) nitong Miyerkoles na magkakaroon ng higit 100 na testing center para sa UP College Admission Test (UPCAT) 2025.

Sinabi ng UP na itatalaga ang mga testing center sa 14 na rehiyon kabilang na ang Metro Manila at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa eksaminasyon sa Agosto 10 at 11.

Para sa Rehiyon 1, mayroong limang testing center: Dagupan City, Pangasinan; Urdaneta City, Pangasinan; San Fernando, La Union; Vigan City, Ilocos Sur at Batac City, Ilocos Norte.

Sa Rehiyon 2 naman, ang mga testing center ay nasa Basco, Batanes; Aparri, Cagayan; Bayombong, Nueva Vizcaya; Diffun, Quirino; Tuguegarao City, Cagayan at Ilagan City, Isabela.

Ang mga testing center naman para sa Rehiyon 3 ay nasa Doña Remedios Trinidad, Bulacan; Iba, Zambales; Baler, Aurora; Clark Freeport Zone, Pampanga; Cabanatuan City, Nueva Ecija; Olongapo City, Zambales; Tarlac City, Tarlac; Balanga City, Bataan; San Jose del Monte City, Bulacan; Malolos, Bulacan at Meycauayan City, Bulacan.

Sa Rehiyon 4-A, ang examination centers ay matatagpuan sa Alitagtag, Batangas; Indang, Cavite; Los Baños, Laguna; Gumaca, Quezon; Batangas City; Lipa City, Batangas; Lucena City, Quezon; Trece Martires City, Cavite; Antipolo City, Rizal; Bacoor City, Cavite; Dasmariñas City, Cavite; Imus City, Cavite (G D M C I S) at Imus City, Cavite (I P E S).

Samantala, magkakaroon ng anim na testing center ang Region 4-B: Boac, Marinduque; San Jose, Occidental Mindoro; Cuyo, Palawan; Odiongan, Romblon; Calapan City, Oriental Mindoro at Puerto Princesa City, Palawan.

Para sa BARMM, ang mga testing center ay matatagpuan sa Patikul, Sulu; Bongao, Tawi-Tawi; Malabang, Lanao del Sur; Shariff Aguak, Maguindanao del Sur; South Upi, Maguindanao del Sur; Upi, Maguindanao del Norte at Lamitan City, Basilan.

Sa Metro Manila naman, ang mga available na examination center ay nasa Maynila; Quezon City (UP Diliman); Taguig City at Quezon City (PSHS).

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on