WebClick Tracer

Guro arestado dahil sa pangmomolestya sa Grade 6 student

Isang public school teacher ang inaresto sa Sta. Barbara, Pangasinan dahil sa pangmomolestya umano sa isang 12 taong gulang na estudyante.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na hiniling umano ng suspek ang Grade 6 pupil na dumalo sa practice para sa graduation ceremony noong Linggo.

Ngunit wala namang practice ng graduation at ang gurong lalaki ay iniulat na minolestya ang menor de edad sa loob ng isang silid-aralan.

Naaresto ang guro sa follow-up operation matapos humingi ng tulong sa pulisya ang mga magulang ng biktima.

(CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on