WebClick Tracer

Gloc-9 guest sa ‘SB19 Pagtatag! Finale’ concert

Masayang inanunsiyo ng P-pop group na SB19 na makakasama nila bilang guest sa kanilang ‘Pagtatag! Finale’ concert ang beteranong OPM rapper na si Gloc-9 sa Mayo 18 at 19 sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Kinumpirma ito ng P-pop group sa Instagram account nito.

Kasama sa iba pang guest artist sina Louie Ocampo, Vocalmyx, at Fortenors.

Matatandaan na noong nakaraang buwan, sinabi ng SB19 na sold out na ang mga ticket sa kanilang dalawang gabing palabas sa Araneta upang markahan ang finale ng Pagtatag World Tour.

Ang SB19 ay binubuo nina Pablo, Josh, Stell, Ken, at Justin, ang SB19 na naging grupo noong 2019.

Kilala ang grupo sa kanilang mga hit na “Go Up,” “What?” at “Gento.” (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on