WebClick Tracer

Gen Z bet mangibang bansa, gustong magtrabahong mag-isa — pag-aaral

Lumalabas sa isang pag-aaral na nasa 52 porsiyento ng mga Pilipinong Gen Z ang nais magtrabaho sa ibang bansa at mas gustong magtrabaho nang solo kaysa grupo.

Ayon sa pag-aaral ng Wellness Index: An updated ABC of Pinoy Gen X, Y, and Z, nais daw ng mga Gen Z na makaranas ng bagong kultura at “personal growth” na magpapataas din ng kanilang competitiveness at marketability sa global job market.

Ipinaliwanag naman ng clinical psychologist na si Rainier Ladic na mas madali sa Gen Z na makakuha ng impormasyon at makita ang uri ng pamumuhay sa ibang bansa dahil sa kanilang kasanayan sa technology.

“Mataas ang kanilang personality na openness to experience sa mga Gen Z na nagmo-motivate sa kanila to try something new,” ani Ladic sa isang panayam.

Ipinunto rin ni Ladic na may kanya kanyang “economic reason” ang mga Gen Z kung bakit gustong mangibang bansa.

“Better pay na trabaho. Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at hindi pagtaas ng sahod,” saad pa niya.

Samantala, lumilitaw din sa pag-aaral na mas gusto ng mga Gen Z na magtrabaho na mag-isa kaysa grupo para makaiwas sa pressure at anxiety kapag may kasamang iba.

“The mere fact that their work will be observed and evaluated so they feel all the more anxious working with groups. Working in groups, may not show yung skills na meron sila kasi always in group yung nakikita,” paliwanag ni Ladic.

“So gusto din ng Gen Zs nama-maximize yung freedom and this includes yung pakiramdam na nadi-direct nila sarili nila and they could achieve this by working independently,” dagdag niya.

Ang Gen Z ay ang mga isinilang sa pagitan ng 1997 hanggang 2015.

Itinuturing din na fully digital native ang mga Gen Z dahil lumaki ang mga ito sa mundo ng social media at technology. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on