WebClick Tracer

Dennis Trillo sweet sa birthday ni Jennylyn Mercado: ‘Forever kaming grateful sa iyo’

Sweet na binati ng aktor na si Dennis Trillo ang asawa niyang si Jennylyn Mercado sa ika-37 kaarawan nito.

Sa Instagram, ibinahagi ni Dennis ang isang video ng asawa kalakip ang isang mensahe.

Sa mensahe, humirit pa si Dennis ng isang pick up line.

“Knock knock, who’s there? BAKAL. BAKAL who? BAKAL lalu mo akong Mahalin pag nakita mo ito💪🏻😘” ani Dennis.

“Sa aming ILAW ng tahanan, na higit pa sa pag bibigay ng Liwanag ang alay sa aming pamilya. Nais kong ipaalala sa iyo, na nandito kami para sa iyo sa bawat oras, mamahalin at aalagaan❤️” saad pa ng aktor.

Sinabi rin ni Dennis na “grateful” sila ng anak kay Jennylyn.

“Maligayang Kaarawan mahal ko….forever kaming grateful sa iyo🥰🤗”

Matatandaan na naging magkasintahan sina Jennylyn at Dennis mula noong 2014. Na-engage ang dalawa at pagkatapos ay ikinasal noong 2021.

May isa silang anak, si Dylan, na ipinanganak noong 2022.

Samantala, napuno naman ang comment section ng pagbati para sa kaarawan ni Jennylyn. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on