WebClick Tracer

Dahil tapos na palugit: Mga unconsolidated PUV huhulihin na simula Mayo 16

Sisimulan nang hulihin ang mga jeepney driver na nabigong isama ang kanilang mga public utility vehicle (PUV) sa mga kooperatiba ngayong Huwebes Mayo 16, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa isang panayam, sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na ang mga operator ng PUV na hindi nag-apply ng franchise consolidation bilang bahagi ng PUV Modernization Program (PUVMP) pagkatapos ng April 30, 2024 na deadline ay maituturing na bilang ilegal o colorum.

“Pwede na kaming mag-flag down bukas and pwede na kaming manghuli ng driver ng sasakyan dahil tapos na rin po ang binigay nating palugit para sa kanila para ‘wag na pong mag-byahe ‘yung mga hindi pa po nag-consolidate,” ani Guadiz.

Sinabi ni Guadiz na ang mga unconsolidated jeepney drivers na makikitang bumibiyahe pa rin sa mga ruta simula Huwebes ay maaaring mapatawan ng isang taong suspensiyon, habang ang kanilang PUV ay maaaring makakuha ng P50,000 penalty at maharap sa 30 araw na pagkakakulong.

Nauna nang sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na ang mga unconsolidated operator at driver ay aabisuhan na ang kanilang mga prangkisa ay babawiin isang linggo o dalawa pagkatapos ng April 30 na deadline ng konsolidasyon. (VP)

TELETABLOID

Follow Abante News on