WebClick Tracer

Classic film ni Nora Aunor ipapalabas sa US, France, Canada

Ipapalabas sa France, Amerika at Canada ang drama film “Bona” ni Nora Aunor.

Kinumpirma sa ulat ng Variety, na magbabalik ang “Bona” sa Cannes at ipapalabas ang 4K restored version nitong linggo.

Ipapalabas naman ito sa France sa September 25 sa Carlotta Films.

“A U.S. and Canada outing through Kani Releasing will follow in the fourth quarter,” saad sa report.

“The new restoration is gorgeous and, because of the available material, one of the best restorations of a Southeast Asian film,” sabi naman ni Pearl Chan ng Kani Releasing.

Unang ipinalabas sa Pilipinas ang “Bona” noong 1980 na pinagbibidahan nina Nora at Phillip Salvador sa direksiyon ni Lino Brocka.

Isa ang “Bona” sa official entries sa 6th Metro Manila Film Festival, at nagbigay sa “Superstar” ng ikalawa niyang Best Actress award mula sa Gawad Urian. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on